Nagtataka ba kayo sa mga kakaibang pagbabago at biglang MALING kinikilos ng mga mahal nyo sa buhay? Here are the ‘signs’ na dapat aware kayo. Kung ganito na ang kinikilos nila… MAG DUDA KA NA!
PROFILES OF AN ADDICT:
1. LAZY / TAMAD
Kung dati masipag, ngayon ayaw na magtrabaho. Hindi mo na mautusan. Laging nagkukulong sa banyo o kwarto. Ayaw na mag-aral, bumaba na ang performance at grado sa school!
2. MANIPULATIVE / MANIPULADOR
Mapagpaikot mapaniwala lang ang mga tao na wala siyang masamang ginagawa. Magaling mambola at maglambing makuha lang ang hiling!
3. LIAR / SINUNGALING
Kung dati may integridad at may isang salita… ngayon ang buong pagkatao nya ay isang malaking kasinungalingan. Puro palusot. Puro dahilan!
4. BLAME TOSSER
Kasalanan ng buong mundo kung bakit sya miserable. Kasalanan ng magulang, kapatid, kaibigan at aso. At na “biktima” lang sya! Never nya aaminin na kasalanan nya!
5. THIEF / MAGNANAKAW
Dati very trustworthy at honest! Ngayon KAWATAN! Sa sariling pamamahay muna magnanakaw, tapos sa iba nang pamamahay pupuslit ng pambisyo! Lahat ng bagay na may halaga pinag-iisipang nakawin para isangla o ibenta! Wala syang pake kung gamit ng sariling magulang o kapatid ang ninanakaw!
6. IRRITABLE / MAINITIN ANG ULO
Sya na ang may kasalanan… sya pa ang galit! Lagi mainit ang ulo at iritable! Minsan ginagawang dahilan ang “pag-init ng ulo” bilang paraan para manakot at manindak, para humingi ng pera o para makuha nya gusto nya!
7. CON-ARTIST / MANLOLOKO
Namatayan, naaksidente, nagpagawa ng kotse, naholdap! Lahat ng dahilan para kaawaan at makakuha ng panggamit. Nagiging scammer at usually ang unang biktima ay sariling pamilya!
8. UNHYGIENIC / PABAYA SA SARILI
Kung dati laging matikas, maporma at mabango, ngayon mabaho na. Ok lang kahit magpalaboy-laboy sa daan at ilang araw di maligo basta “high”. Di na concerned sa sariling pangangatawan at kalusugan! Madungis, payat, maputla, hinahayaan mabulok ang ipin, pangit na ang kutis at balat!
9. DISTORTED VIEW OF REALITY
Iba na ang pananaw sa buhay at mundo. Iba na ang pag-iisip, pag-aakala at lagi nang NAGDUDUDA! Papunta na ito sa pagiging “praning”!
10. NO RESPECT FOR THE RIGHTS OF OTHER PEOPLE AND THEIR PROPERTY
MAKASARILI NA SYA! Noon ay mabait at magalang. Ngayon bastos na at walang pakialam kung sino nasasaktan nya o naaapakan. Wala nang respeto sa mga kagamitan at karapatan ng ibang tao! Unang bibiktimahin nya ang mga taong nagmahal at nag alaga sa kanya.
11. LOW SELF-ESTEEM
Dati ay responsable at may magandang hangarin at plano sa buhay. Ngayon, wala nang tiwala sa sarili. Negative thinker na! Wala nang sigla sa buhay!
12. SELF-PITY
Feeling nya sya lagi lugi, sya ang kawawa, sya ang inaapi!
ANO ANG MGA DAPAT GAWIN?
Kung napapansin nyo mga ganitong pagbabago ng pag-uugali at pagkatao, kumilos na kayo para alamin! At gawan ng paraan habang maaga pa bago HULI na ang lahat!
Alamin kung sino ang mga “kaibigan” na sinasamahan nya. Magandang batayan ito dahil sa kasabihang ” birds of the same feather flock together”. Kausapin nyo mga guro lalo na kung biglang bumaba ang performance at grado sa paaralan.
Check nyo mga kagamitan at kwarto nya para sa mga ebidensya ng droga at mga gamit pang droga.
PARENTS ARE ALWAYS THE LAST TO KNOW! Mas maigi na i-educate nyo ang mga sarili ninyo on the dangers of drug abuse para may kaalaman kayo. At mas madali makausap at ma-confront nyo ang adik kung may sapat na kaalaman na kayo… at higit sa lahat WAG NA WAG MAGING KUNSINTIDOR! Dahil kayo ang magdadagdag sa problema!!!
Remember…. there is a LAW against drug abuse! If you break the law, you commit a CRIME! If you commit a crime, you go to JAIL or risk losing your LIFE!